600K KATAO, DUMALO SA MISA NI POPE FRANCIS SA EAST TIMOR


Humigit-kumulang 600,000 katao na halos aabot na sa kalahating bilang ng populasyon sa East Timor ang dumalo sa final mass ni Pope Francis.

Ginanap ito sa kaparehong field kung saan nanalangin si St. John Paul II sa nakalipas na 35-taon habang nasa gitna ng labanan para sa kalayaan mula sa Indonesia.

“I wish for you peace, that you keep having many children, and that your smile continues to be your children,” pahayag ni Francis sa lenggwaheng Espanyol.

Samantala, umabot naman sa milyun-milyong katao ang dumalo sa ibang mga Papal Masses sa iba’t ibang bansa tulad na lamang ng Pilipinas.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog