KUMPANYA SA THAILAND, NAG-AALOK NG PAID DATE LEAVE SA MGA EMPLEYADO

 


Tila kakaiba ang benepisyong inaalok ng isang Thai company sa ilang daan nitong mga empleyado.

Ito ay ang “paid date leave” o tinatawag na “paid Tinder leave” ng Whiteline Group, isang marketing agency sa Thailand.

Sa ulat, may kahalintulad din ito sa sick leave o vacation leave ngunit kinailangan na magbigay ng isang linggong advance notice ang isang empleyado na gagamit nito.

Layunin ng kumpanya na mai-boost ang well-being ng nasa 200 na mga empleyado nito dahilan na ipinapatupad sa naturang kumpanya ang “paid date leave”.

Bukod sa paid date leave, may paid Tinder Platinum at Tinder Gold subscriptions for six months para sa mga gustong mag-avail.

Ang nasabing paid leave ay ipinapatupad din sa isang influencer marketing agency na Gushcloud International kung saan binibigyan nito ng isang araw na Tinder leave ang kaniyang 300 na mga empleyado sa Indonesia, Malaysia, the Philippines, Singapore, South Korea, at Thailand.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog