Hinatulang guilty ang South Korean actor na si Yoo Ah-in
dahil sa ilegal na paggamit ng anaesthetic drug propofol.
Ayon sa Yonhap news agency, gumagamit ng propofol ang
aktor sa 181 na mga okasyon sa pagitan ng taong 2020 at 2022.
Napag-alaman na ibinibigay ang naturang mga droga sa
isang professional clinics sa ilalim ng pagkukunwaring nagsasagawa ng cosmetic
procedures.
Unang nahatulan ng apat na taong pagkakakulong ang South
Korean actor ngunit binigyan siya ng Seoul Central District Court ng isang
taong pananatili sa kulungan.
Pinatawan din ng multang 40-milyon won o katumbas ng
P1.7-milyon ang doktor na nagbigay ng propofol na walang maayos na prescription
sa 37-anyos na aktor.
Kung matatandaan, ang sobrang paggamit ng naturang droga
ang naging dahilan sa pagkamatay ng pop star na si Michael Jackson noong 2009.
Si Yoo Ah-In ay nag-debut noong 2003 sa kaniyang pagbida
sa ilang mga television dramas at films sa iba’t ibang genre.
0 Comments