Patuloy na umaakyat ang bilang ng kaso ng dengue sa Western
Visayas matapos na makapagtala ang Department of Health ng 18,056 na kaso na
may 42 na namatay ngayong taon.
Ang 18,056 na bilang ng kaso ng rehiyon ngayong taon ay
mas mataas ng 229% kumpara sa nakaraang taon na umabot lamang sa 5,941 na kaso
na may 25 na namatay.
Nangunguna naman sa pinakamaraming kaso ang Iloilo na may
7,020 at 20 na ang namatay. Sinundan naman ito ng Negros Occidental na may
2,864 na kaso at 8 ang namatay.
Habang, pumapangatlo naman sa may pinakamaraming kaso ang
Aklan na may 1,919 at 2 na ang naitalang patay sa dengue.
Samantala, sa loob lang ng isang linggo mula Agosto 17
hanggang Agosto 24, nakapagtala na ang rehiyon ng 2,368 na karagdagang kaso ng
dengue at 11 ang namatay.
0 Comments