ILANG MGA BATA NAPAIYAK MULA SA MGA BABAENG NAG-BOO AT NAG-THUMBS DOWN SA CHILDREN’S READING COMPETITION


 

Halos mapaiyak ang ilang mga bata sa isang award ceremony nang may ilang mga matatanda sa audience ang nanunuya sa kanila.

Nangyari ang insidente sa finale ng National Chinese Creative Reading Competition nitong Setyembre 6 sa Woodlands Regional Library.

Nasa tatlong grupo ng mga kalahok ang sumali sa kumpetisyon mula sa preschool, Primary 1 hanggang 3 at Primary 4 hanggang 6.

Habang, nasa kalagitnaan ng pag-award sa mga nanalo ay dalawang babae mula sa audience ang sumigaw ng Boo at nag-thumbs down sa mga batang papaakyat para kunin ang kanilang award.

Napag-alaman na ang dalawang babae ay pawang mga magulang ng isang grupong kalahok sa kumpetisyon. Matapos na tumanggap ng parangal ang kanilang mga anak ay dito na sinimulan ang tactics ng dalawa.

Bukod pa rito ay nasaksihan din ng ilang mga magulang at bata ang pagtaas ng gitnang daliri ng dalawang babae sa mga batang nasa entablado dahilan na nagulat ang mga ito at nakaramdam ng lungkot na halos papaiyak na.

Sinubukan silang suwayin ng ilang mga magulang ngunit sinagot lamang sila na “mind your own business”.

Dahil dito, nakaramdam ng pagkadismaya ang ibang mga magulang sa inakto sa dalawang babae lalo na sa mga bata dahil nakakaapekto ito sa mental health ng mga bata.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog