10-ANYOS NA BATANG BABAE, PATAY NA NANG MATAGPUAN SA LABABO


Bangkay na nang matagpuan ng mga awtoridad ang nawawalang 10-anyos na batang babae sa Atimonan, Quezon.

Sa ulat, nasuri sa isang CCTV footage ang biktima kasama ang isang lalaki na pumunta sa inuupahan nitong apartment.

Nang puntahan ng mga pulis ay dito na tumambad ang bangkay ng bata na nasa lababo at natakpan ng mga kawali at kaldero.

Nakita rin sa tabi ng bangkay ng bata ang isang electric chord na posibleng ginamit na pagsakal sa biktima.

Isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng bata para malaman ang sanhi ng kaniyang pagkamatay at kung ginahasa ito ng suspek.

Samantala, mabilis namang nakatakas ang suspek na sakay ng isang motorsiklo at patungo sa Batangas habang natukoy naman ng pulisya ang pagkakakilanlan nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog