GLIMPSE OF OLD MEMORIES

 



ALAM NIYO BA | Mayroon nang mga larawan ang Pilipinas noong 1839?

Unang pinakilala sa mundo noong 1839 ang Daguerreotypes, isang pinakaunang photographic process kung saan napangangalagaan ang isang larawan.

Sa pamamagitan nito ay napapanatili nito ang mumunting mga alaala ng dating mukha ng Pilipinas sa pagitan ng 1840-1850.

Ikinagulat naman ito ng mundo dahil tanging ang Pilipinas ang mayroong mga larawan sa naturang taon.



Napag-alaman na bukod sa India ay ang Pilipinas pa lang sa Asya ang unang bansa na mayroon nito at napreserba ng mahigit 180-taon.

Ang Daguerreotypes ay natagpuan sa lumang bahay sa Amerika nina Rosina Herrera at George Eastman na may titulong 'The book Informe sobre el estado de las islas Filipinas".

Ito na ang tinaguriang mga 'Oldest Known Photos of the Philippines' sa kasaysayan kung saan mayroon itong 13 na whole plates at 5 half-plates,

Makikita din sa larawan na tanaw na tanaw rito ang dating Maynila, Marikina at Laguna.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog