Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) Chairman
George Garcia na wala silang ibibigay na extensions para sa local at overseas
voter registration na magtatapos ngayong araw, Setyembre 30.
Ayon sa Comelec, nagbigay na sila ng sapat na panahon
dahil kinakailangan pa nilang i-finalize ang listahan ng mga botante, ang
project ng mga presinto, at ang listahan ng mga botanteng nag-transfer sa ibang
presinto.
Ani ni Garcia, inaasahan ang pagdagsa ng mga aplikasyon
sa huling araw ng pagrehistro.
As of now, aabot na sa 6.4-milyon na mga indibidwal ang
nag-apply para sa pagpaparehistro kung saan mahigit 3-milyon ito ang bagong
botante at 1.18-milyon naman ang overseas Filipinos.
Sa kabila nito, magsisimula na sa Oktubre 1 ang filing ng
certificate of candidacy ng mga kandidatong tatakbo para sa 2025 Elections.
Samantala, muling namang magbabalik sa Pebrero 12 ang
voter registration na magbubukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon,
kabilang na ang Saturdays at holidays.
0 Comments