Pinagmulta ang isang engineer sa Spain matapos nitong tumanggap
ng sahod sa loob ng anim na taon kahit na hindi ito pumapasok sa trabaho.
Kinilala itong si Joaquin Garcia, technical director ng
Aguas de Cadiz, ang municipal water company sa nasabing siyudad sa Spain.
Tumatanggap ng annual salary si Garcia ng 37,000 euros o
katumbas P2.2-milyon.
Nagsimulang magtrabaho si Garcia sa gobyerno noong 1990
at inilagay sa municipal water company upang i-manage ang waste water treatment
plant noong 1996.
Taong 2010 ay dapat gagawaran ng service award si Garcia dahil
sa 20-taong pagtatrabaho sa kumpanya ngunit dito nadiskubre na hindi pala ito
pumapasok sa trabaho ng anim na taon.
Dahil dito, inireklamo si Garcia at pinagmulta ng 27,000
euros o P1.6-milyon dahil napatunayang hindi siya pumapasok sa opisina for “at
least six years” at hindi nagtrabaho “between 2007 and 2010, the year before he
retired.”
Depensa naman ng naturang engineer na pinagkaisahan umano
siya ng kaniyang mga katrabaho at paiba-iba din daw ang kaniyang working hours
pati naging biktima din siya ng pambu-bully sa workplace.
Samantala, napag-alaman na hindi lang anim na taong
lumiban sa trabaho si Garcia kundi 14 na taon na siyang hindi pumapasok sa
trabaho.
0 Comments