Tuloy ang paghain ng reklamo ng asawa ng pasyenteng si Bill Bryan laban kay Dr. Thomas Shaknovsky at sa Ascension Sacred Heart Emerald Coast Hospital sa Florida matapos ang medical negligence na humantong sa pagkamatay ng 70-anyos na asawa.
Ayon sa abogado ni Byran, nagpatuloy sa hand-assisted
laparoscopic splenectomy procedure si Dr. Shaknovsky at sa kasagsagan ng
operasyon ay nagkamali ito sa pagtanggal ng organ ng pasyente kung saan sa
halip na spleen ay ang atay ng pasyente ang natanggal nito na naging dahilan ng
pagkamatay nito.
Sa ulat, binisita ng pamilya Bryan ang kanilang rental
home sa Okaloosa Country, Florida nang makaramdam si Bill ng sakit sa kaniyang
kaliwang bahagi ng katawan.
Pagdating sa ospital ay inabisuhan siya ni Dr. Shaknovsky
na kinailangan nito ang surgery.
Napag-alaman na matapos mamatay si Bill ay dito na
nadiskubre na naroroon pa rin ang kaniyang spleen at wala na ang atay nito.
Dahil dito, pursigidong ituloy ng kampo ni Bryan na
kasuhan ng parehong kriminal at civil lawsuits ang surgeon at ospital.
0 Comments