BABAE, INILANTAD ANG PANLOLOKO NG BOYFRIEND SA ISANG 58-PAGE NA POWERPOINT PRESENTATION



Tila sumagad na ang pasensya ng babae sa kaniyang kasintahan sa naisip nitong paghihigante.

Ibinahagi ng babae online ang kaniyang ginawang 58 na pahinang PowerPoint Presentation na naglalaman ng pagtataksil ng kaniyang boyfriend.

Sa naturang PowerPoint, inakusahan nito ang lalaking may surname na Shi, isang management trainee sa China Merchants Bank sa Shenzhen headquarters, na nakikipagtalik sa iba’t ibang mga babae kabilang na ang sex workers sa halos isang taon.

Inakala ng hindi nagpakilalang babae na isang “gentleman” ang kaniyang dating karelasyon hanggang sa nadiskubre nito ang mga panloloko sa mga chat apps.

Laman pa ng presentation na bumibisita si Shi sa humigit-kumulang siyam na sex workers at nagbabayad ng nasa 2,500-yuan hanggang 5,000 (P19,700 to P39,000) mula sa buwan ng Marso hanggang Agosto.

Humingi naman ng kapatawaran ang boyfriend at nangakong hindi na uulitin ngunit naulit pa ang kaniyang panloloko dahilan na nagplano na ng paghihigante ang babae.

Nitong Setyembre 19 ay sinibak sa trabaho ang lalaki at inalis din siya mula sa Chinese Communist Party.

Samantala, ini-report naman ng babae ang kaniyang dating nobyo sa pulisya at iba pang awtoridad sa kaugnayan nito sa mga prostitutes na napag-alamang ilegal sa bansang China.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog