ARMAS AT MGA BALA, NAKUHA SA ISANG SENOR CITIZEN MATAPOS SILBIHAN NG ARREST WARRANT SA BADIANGAN, ILOILO

 


Arestado ang isang senior citizen matapos itong makuhaan ng isang baril at mga bala nang ito’y silbihan ng arrest warrant ng mga kapulisan ng Badiangan PNP sa Barangay Catubig, Badiangan, Iloilo nitong Setyembre 25.

Kinilala ang senior citizen kay Renato Cabais, 67-anyos at residente ng naturang lugar.

Narekober kay Cabais ang one unit Caliber .38 Revolver without serial number; six (6) live ammunition of .38 caliber; .38 holster; one unit homemade 12 guage shotgun; one magazine of 12 gauge shotgun; at four (4) live ammunition of 12 guage.

Inisyu naman ni Hon. Gemalyn Faunillo-Tarol, Executive Judge ng RTC 6 Branch 76, Janiuay, Iloilo na may petsa na September 24, 2024.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Badiangan PNP si Cabais at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act of 10591.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog