CONTEMPT ORDER KAY SHIELA GUO, INALIS NA


Inalis na ng Senate panel on women ang contempt order nito laban kay Shiela Guo o kilala din sa kaniyang Chinese name na Zhang Mier.

Mismong si Senador Risa Hontiveros ang nag-alis ng contempt order kay Shiela Guo sa nakaraang 14th at huling pagdinig sa senado kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ukol sa pagkakaugnay nito sa Philippine offshore gaming operators (POGO).

Nakatakda namang ililipat si Shiela sa kustodiya ng Bureau of Immigration alinsunod sa mission order na inisyu ng kawani laban sa kaniya.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog