Nabisto ang isang Chinese Philippine Offshore Gaming
Operation (POGO) worker na nagtangkang tumakas sa kasagsagan ng malakas na
ulan sa isang detention facility.
Sa ulat, nahuli-cam sa CCTV camera sa rooftop ng
detention facility ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang
pagtangkang pagtakas ng lalaking Chinese.
Ngunit, agad naman siyang nabisto ng mga tauhan ng PAOCC
na nagroronda sa pasilidad matapos na iwan nito ang kaniyang sapatos sa
rooftop.
Nagtamo pa ng ilang mga sugat sa katawan ang lalaking
Chinese dahil sa dinaanan nitong barbed wire.
Napag-alaman na ang nabistong lalaking Chinese ay
kabilang sa mga naarestong dayuhan sa POGO hub sa Bamban, Tarlac.
Ayon kay PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz, hinala nitong
nagawang tumakas ng Chinese matapos na mabalitaan ang pagpapa-deport sa kanila sa
China.
0 Comments