Ka-K5, ano ang gagawin mo kapag
nadiskubre mong nagloloko pala ang mapapangasawa mo, ilang araw bago ang inyong
kasal?
Itutuloy ba o cancel na
lang?
Sa England, sa halip na ikansela
ang kaniyang wedding celebration ay itinuloy pa rin ni Lindsay Slater ang
kaniyang kasal kahit na walang groom.
Nagmistulang “celebration of
freedom” para sa bride ang nangyari kung saan nagdiwang ito kasama ang mga kaibigan
at pamilya.
Si Lindsay ay isang
solicitor sa Mansfield, Nottingham sa England.
Ipinost pa ng kaibigan ni
Lindsay ang highlights ng selebrasyon.
“You find out your fiancé is
cheating 6 days before the wedding so you do it without him,” caption ni Beth
sa TikTok video.
Ayon sa ulat, nahuling may
kinakasamang ibang babae ang fiancé ni Lindsay. Nang kumprontahin ay agad na
nag-alsa balutan ang lalaki at lumayas sa kanilang tahanan.
Noong una ay kinansela ni
Lindsay ang kasal ngunit nagdesisyon itong ituloy na lang para sa ipagdiwang
ang kaniyang kalayaan.
Kaugnay nito, aabot naman sa
halos P2.6-milyon ang nagastos sa kanilang wedding celebration na tinatayang
60-70 katao ang dumalo sa reception.
Napag-alamang 12-taon nang
nagsasama sina Lindsay at ang dating fiancé nito bago mangyari ang panloloko.
0 Comments