Halos isang buwan nang arestado sa Indonesia si dating
Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos ang umano’y pagtakas nito mula sa
Pilipinas kung saan nahaharap siya sa kaliwa’t kanang kaso.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nearest si Guo sa
Tangerang City sa probinsya ng Banten sa western border ng Jakarta.
Dagdag pa ng DOJ, kasalukuyang nasa kustodiya na ng
Indonesian Police si Guo sa Jatanras Mabes Polri.
Pinag-uusapan na din ang pag-turn over kay Guo sa Bureau
of Immigration at sa National Bureau of Investigation.
Matatandaang umalis ng bansa si Guo noong Hulyo 18, batay
sa anunsyo ni Sen. Risa Hontiveros na kinumpirma din ng mga opisyal ng Bureau
of Immigration.
0 Comments