BABAE SA FRANCE, PINAINOM NG DROGA NG DATING ASAWA TSAKA GINAHASA NG IBANG MGA LALAKI



Tumestigo na sa korte ang biktimang babae sa France sa umano’y pagpapainom sa kaniya ng droga ng kaniyang dating asawa upang siya’y gahasain ng ilang mga kalalakihan habang walang malay.

Umabot naman ng halos isang dekada bago nadiskubre ni Gisèle Pélicot na ang mismong asawa nito ang may kagagawan ng naturang krimen.

Si Gisèle Pélicot, 71-anyos ay ginahasa ng nasa 50 na mga kalalakihan at ngayo’y nahaharap sa kasong aggravated rape at 20-taong pagkakakulong.

Sa ulat, mayroon silang 3 anak at nagsimulang manirahan sa Mazan, isang maliit na bayan sa Provence, nang parehong magretiro.

Taong 2020, nahuli ng isang security agent ang asawa ni Gisèle na kinukunan nito ng mga larawan ang maseselang parte ng babae sa isang supermarket dahilan na kinumpiska ng mga awtoridad ang cellphone at computer nito.

Dito na tumambad ang libo-libong larawan at videos ng mga kalalakihang gumahasa kay Gisèle sa mismong bahay nila habang siya ay walang malay.

Wala namang kaalam-alam si Gisèle sa ginagawang krimen ng kaniyang asawa kung kaya’t labis ang pagkadismaya nito nang malaman ang katotohanan sa mga ebidensyang ipinakita ng pulisya.

“I was sacrificed on the altar of vice," pagtestigo ni Gisèle Pélicot. “They regarded me like a rag doll, like a garbage bag,” dagdag pa nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog