Trending ang isang clinic sa Japan na Shirakawa Clinic na
isang acupuncture dahil sa kakaiba nitong method.
Karaniwan nating nakikita na paisa-isa lang ang ginagamit
na karayom, ngunit tila hindi pangkaraniwan ang pamamaraan ng Shirakawa Clinic.
Sa halip kasi na dalawa hanggang tatlo ay tila halos
mapuno na ng karayom ang buong mukha ng isang pasyente sa napakaraming karayom
na nakatusok dito.
Paliwanag naman ng naturang clinic na ang kanilang uri ng
pamamaraan ay para raw mas matulungan na magamot ang pisikal at espiritwal na
karamdaman ng kanilang mga pasyente.
Ang nasabing klase ng acupuncture na ito ng Shirakawa
Clinic ay nagkakahalaga lang naman ng aabot sa 200,000-yen o katumbas ng
P66,887.77 kung saan tumatagal ang session nito ng 30-minuto.
Kahit may kamahalan, ang naturang clinic ay maraming
parokyanong Japanese celebrities and athletes.
Samantala, mukhang epektibo naman ang naturang method sa
ilang mga pasyente na kahit napakasakit ay ramdam naman nito ang magandang
resulta.
0 Comments