BABAE, BINARIL-PATAY HABANG NAGLALARO NG MOBILE GAME SA CEBU CITY


 

Patay ang isang 40-anyos na babae matapos itong barilin ng dalawang lalaki habang naglalaro ng online game sa isang eskinita sa Barangay Guadalupe sa Cebu City.

Ayon sa ulat, nakunan ng CCTV footage ang mga suspek na may suot na sombrero at nakatabon ang mukha nang kanilang inatake ang biktima sa likuran.

Nakilala ang biktima na isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) at idineklarang dead on the spot dahil sa natamong tama sa ulo ng barilin ng mga suspek n amabilis namang nakatakas.

Kwento ng kapatid ng biktima na nakapwesto sa isang eskinita ang 40-anyos na babae upang makakuha ng maayos na signal habang naglalaro sa kaniyang cellphone.

Nilinaw naman nitong wala namang nakaaway ang biktima.

Kaugnay nito, tinitingnang anggulo ng pulisya ang posibleng kinalaman nito sa mga aktibidad ng ilegal na droga na maaaring motibo sa krimen.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at inamin ang nagawang krimen.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog