Planong kumatay ng nasa 200 na mga elepante sa Zimbabwe bilang pantanggal-gutom sa mga komunidad sa naturang bansa.
Ito’y matapos maranasan ang matinding epekto ng tagtuyot
sa loob ng apat na dekada.
Halos 68-milyong katao ang apektado ng El Niño na nagresulta ng tagtuyot at kawalan ng ani sa
Southern Africa.
Ayon kay Tinashe Farawo,
Zimbabwe Parks and Wildlife Authority (Zimparks) spokesperson, ang karne ng
elepante ay nakatakdang ipapamahagi sa komunidad ng Zimbabwe na apektado ng
naturang phenomenon.
Ang pagkatay sa mga elepante
ang magiging kauna-unahan sa bansang Zimbabwe magmula noong 1988 na gagawin sa
mga distrito ng Hwange, Mbire, Tsholotsho at Chiredzi.
Samantala, mahigit 200,000 mga
elepante ang naninirahan sa isang conservation area na nakakalat sa limang
bansa sa southern Africa - Zimbabwe, Zambia, Botswana, Angola at Namibia – kung
saan ang rehiyong ito ang isa sa mga naging tahanan ng pinakamalaking
populasyon ng elepante sa buong mundo.
0 Comments