Nakatakdang magbubukas ng isang pribadong beach ang
Department of Tourism para sa mga babaeng Muslim sa Boracay Newcoast sa
Setyembre 10.
Layunin ng naturang hakbang na mabigyan ng oportunidad ang
mga turistang Muslim na nagnanais ng privacy habang nag-eenjoy sa paglalangoy.
Ayon kay DOT Undersecretary for Muslim Affairs Myra Paz
Valderrosa-Abubakar, suhestyon aniya ito ng mga ambassador mula sa Malaysia at
Brunei sa isang pagpupulong sa isla kung saan naging highlight ang pangangailangan
ng Muslim-friendly spaces.
Aniya pa, bagama’t nakakapag-swimming ang mga Muslim sa
mga pampublikong baybayin ay may iba pa ding mga Muslim ang mas piniling
magkaroon ng private space.
Dahil dito, gagamitin ang isang bahagi ng northeastern
Boracay Newcoast bilang private cove para sa mga babaeng Muslim kung saan dito
din matatagpuan ang Savoy Hotel na kamakailan ay nakatanggap ng Halal kitchen certification.
0 Comments