DATING MISS U PH VVV, SASABAK SA MISS UNIVERSE NEW ZEALAND 2024



Inanunsyo ni dating Miss Universe Philippines Charity Victoria Velasquez Vincent na kabilang ito sa mga kandidata ng ngayong taong Miss Universe New Zealand.
Sa kaniyang post, sinabi ng beauty queen na ito ang pagsali sa naturang beauty pageant ang kaniyang paraan para bigyang-pugay ang pamana ng kaniyang ama.
"Time to honor my dad's side of my heritage and the country where I took my first step, spoke my first word, had my first heartbreak and earned my double master's degree I never shut up about," saad ni Victoria.
Sinabi din ni Victoria na ang kaniyang pagka-Pinoy ay palaging nasa puso niya kahit saan man siya magpunta.
Si Victoria ay ipinanganak at lumaki sa New Zealand na tinanghal bilang Miss Universe Philippines Charity. Siya ang kinatawan ng Cavite kasama ang 2021 Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez.
Samantala, nakatakda namang gaganapin ang Coronation Night ng Miss Universe New Zealand sa Setyembre 29 sa Dorothy Winstone Centre Performing Arts Theatre.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog