VIRAL OLYMPIC POLE VAULTER, INALUKAN NG P14.4M NG ISANG PORN COMPANY



Nag-viral ang isang French pole vaulter nang matalo ito sa kumpetisyon ng 2024 Paris Olympics matapos na tumama ang kaniyang private part sa isang crossbar.

Sa isang viral video, makikita ang paglipad ni Anthony Ammirati sa ere at nakatakdang lampasan ang 5.70-meter na target nang biglang tumama ang private part nito sa crossbar bago lumagapak sa mat.

Sa tuntunin ng pole vaulting, kinakailangan na ma-clear ng mga kalahok na atleta ang crossbar nang hindi ito nasasagi o naalis sa orihinal na pwesto.

Ayon sa TMZ Sports, nakatanggap ng mensahe si Ammirati mula sa CamSoda na nag-aalok ito ng $250,000 o katumbas ng P14.4M upang ipakita ang kaniyang kakayahan.

Sa kabila nito, maituturing na “big disappointment” para kay Ammirati ang kaniyang naging performance sa Olympic.

Dahil dito ay lumagapak sa ika-15 pwesto ang French pole vaulter.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog