GOLD MEDALIST, NAISPATAN NA NATUTULOG SA OLYMPIC VILLAGE GROUNDS



Sa halip na sa nakatalagang kwarto magpahinga ang Italian swimmer at gold medalist na si Thomas Ceccon ay mas pinili nitong matulog sa damuhan sa park.

Naispatan si Ceccon ng mga netizen na mahimbing na nakahiga at natutulog sa damuhan ng Olympic Village Grounds matapos na makaramdam ng hindi komportableng pahingahan sa Olympic Village.

Nauna na nitong inireklamo na bukod aniya sa maingay ay mainit pa ang tinutulugan nila dahil sa hindi maayos na air-conditioning system.

Tinawag din ng atleta na subpar ang kalidad ng mga pasilidad.

Ngunit sa kabila nito, nakasungkit pa rin siya ng gold medal sa 100-meter backstroke at bronze medal sa freestyle relay.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog