ENVIRONMENTAL GROUP ECOWASTE COALITION, BINALAAN ANG PUBLIKO SA PAGGAMIT NG LIPGLOSS



Nagbigay ng babala ang Environment group EcoWaste Coalistion sa publiko ukol sa paggamit ng lipgloss na may artificial dye rhodamine B, na isang delikadong substance.

Ayon sa grupo, talamak na sa online ang mga nakakapinsalang produkto maging sa ilang mga tindahan sa Malabon City.

Ikinabahala ito ng EcoWaste magmula ng magbigay ng payo ang Food and Drug Administration sa publiko laban sa pagbili ng Meiya Matte Lipgloss – ME-6058, isang produktong gawa ng China na nagpositibo sa rhodamine B.

Ang rhodamine B ay isang red-to-violet artificial dye na mahigpit na ipinagbabawal ng ASEAN Cosmetic Directive dahil sa dulot nitong panganib sa kalusugan.

Ngunit, karaniwan pa rin itong ginagamit sa mga produktong cosmetics sa kadahilanang mas mura at mas matatag ang kulay kaysa sa natural na mga dyes.

Samantala, hinikayat din ng FDA ang publiko na agad i-report sa kanilang tanggapan ang anumang pagbebenta at pamamahagi ng nasabing produkto.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog