Masayang nagbunyi ang mga manlalaro ng Team USA nang
talunin ang kontra na France sa final game ng men’s basketball sa 2024 Paris
Olympics.
Sa score na 98-87 ay matagumpay na naiuwi ng grupo ang Olympics
gold medal sa naturang laro.
Ilan naman sa mga kilalang basketball players ay nagsama-sama
at nanguna para sa Team USA na kinabibilangan nina NBA stars Stephen Curry na
nakapagtala ng 24 points at 5 assists, LeBron James na may 14 points, 9 assists
at 6 rebounds, at Kevin Durant na may 15 points, 4 assists, at 4 rebounds.
Samantala, kinilala namang Olympics Basketball MVP si
Lebron James.
0 Comments