Pinaplano ng pamahalaan na ibenta ang lupa sa Pasay City
na kinakatayuan ng sikat na amusement park na Star City.
Ito ay bilang bahagi sa privatization strategy ng administrasyong
Marcos upang palakasin ang nontax revenue.
Sa isang panayam kay Finance Undersecretary Maria
Luwalhati Dorotan Tioseco, sinabi nitong nakatakdang ibebenta ang Star City
property na may lawak na 34,346 square meters o mahigit 3-hectares na
may zonal value na P14 bilyon noong Setyembre noong nakaraang taon.
Ang Star City ay pag-aari ng Star Parks Corp., isang sangay
ng Elizalde Holdings Corp., at kasalukuyang nasa ilalim ng lease agreement sa Philippine
International Corp.
Samantala, nakatakda naman itong mag-expire sa 2026.
0 Comments