Mapapa-sana all ka na lang ka-K5 kung paborito mo ang mga
pagkaing seafood lalo na ang shellfish dahil sa halagang P1-P2 ay makakabili ka
na ng scallops.
Sa isang isla na tinawag na Scallops Island sa Barangay
Gabi sa Isla Gigantes sa Carles, Iloilo ay halos hindi na nawawalan ng scallops
na naging pangkabuhayan na ng mga residente doon.
Ayon sa ulat, sinabi ng punong barangay na mahigit
tatlong dekada nang naging pangkabuhayan ng mga taga roon ang paninisid ng
scallops kaya halos napuno na ng mga kabibe ang kanilang dalampasigan.
Kayang-kaya din nilang punuin ang bag na sisidlan ng
makukuhang scallops sa bawat oras na ginugugol sa paninisid sa ilalim ng dagat.
Samantala, aabot naman sa P1,300 hanggang P1,500 ang halaga
ng bawat bag ng scallops na kanilang ibinebenta.
0 Comments