Engaged na ang French athlete na si Alice Finot sa
kaniyang boyfriend matapos na maging record holder sa nagpapatuloy na 2024
Paris Olympics.
Ipinagdiwang ni Finot ang kaniyang tagumpay nang malampasan
ang European women's 3000m steeplechase record sa pamamagitan ng pag-propose ng
marriage proposal sa boyfriend nitong Spanish athlete na si Bruno Martinez
Bargiela.
Sa ulat, pagkatapos ng karera ay mabilis na tinakbo ni
Finot ang pwesto ng audience at dito lumuhod tsaka nag-propose sa kasintahan
nito.
Isang napakatamis na “Yes” naman ang natanggap na sagot
nito mula sa kaniyang boyfriend.
Sa isang panayam, sinabi ni Finot na ang kaniyang
tagumpay sa Paris 2024 ay senyales ng opisyal nitong pag-propose ng kasal sa
kasintahan.
“I told myself that if I ran under nine minutes, knowing
that nine is my lucky number and that we’ve been together for nine years, then
I would propose,” anito.
Samantala, nasa ikaapat na pwesto si Finot sa oras na
8:58.67 na naabot ang finished line ng 3000m steeplechase final.
0 Comments