Hindi inakala ng mga netizen ang nakakalungkot na
nakaraang naranasan ng aktres at Vivamax star na si Angeli Khang mula sa ama
nito.
Sa isang show na “Fast Talk with Boy Abunda”, ibinunyag
ni Khang ang naranasang pang-aabuso mula sa kaniyang Korean na tatay ilang taon
niyang tiniis sa paniniwalang ito’y parte ng “normal parenting”.
“A father’s love is uptight… Since military discipline
‘yung dad ko, mas naging uptight pa siya,” anito.
“It became too much for us to handle. [We were]
physically abused”, dagdag pa niya.
Dahil sa pang-aabuso ng ama ni Khang ay nagawang lumayas
ng kapatid nito at iniwan siyang mag-isa sa kanilang ama. Dito na, nagsimula
ang kalbaryo nito mula sa pang-aabusong pisikal ng kaniyang ama.
Subalit, nang madiskubre ito ng kaniyang kaklase na agad
ini-report sa kanilang guro ay agad na ipinatawag ang ama ni Khang at mabilis
na lumipad patungo sa Pilipinas.
Pagkarating sa Pilipinas, nalaman ng kaniyang ina ang
pang-aabusong naranasan mula sa ama dahilan na nagsampa ito ng kaso.
Hindi naman nagbigay ng detalye si Khang ukol sa kaso
ngunit sinabi nitong mayroon nang inihaing warrant of arrest para sa ama at
nakatakdang maaaresto kapag ito’y nakabalik ng Pilipinas.
Samantala, sa kabila ng mga pananakit at pang-aabuso na
naranasan ni Khang ay handa pa rin siyang patawarin ang kanyang ama kung
humingi ito ng tawad.
0 Comments