Nagsimula na nitong Lunes ang taunang summertime military
exercises ng South Korea at Estados Unidos upang mas pang palakasin ang
kahandaan ng naturang mga bansa mula sa cyber threats at mga armas ng North
Korea.
Nakatakda namang magtatapos ang naturang aktibidad sa
Agosto 29 lalo na’t nasa advance stage na ang nuclear at missile programmes ng
North Korea. Gayundin, sinusubok na nilang mailunsad ang reconnaissance
satellites.
Ayon sa ulat, magkahiwalay namang gagawin ng South Korea
ang sabay-sabay na civil defense drills ng Ulchi Freedom Shield na may
senaryong nuclear attack ng North Korea.
Samantala, hinikayat naman ni South Korean President Yoon
Suk Yeol ang puspusang paghahanda laban sa North Korea.
0 Comments