Nauwi sa trahedya ang sana’y masayang paligsahan sa pag-inom
ng alak sa Maragusan, Davao De Oro.
Sa ulat, nagdiriwang ng kapistahan ang mga taga-Sitio
Dhalia sa naturang lugar nang magkayayaan ang mga kalalakihan na nag-iinuman na
lagyan ng papremyo ang bawat pares na makakaubos ng isang bote ng 750ml na alak
na may 40% na alcohol.
Mula sa tig-P500 na premyo ay itinaas pa ito sa
tig-P1,000 sa makakaubos ng isang bote pa ng alak.
Nung una ay parehong naitawid ng bawat pares ang unang
hamon ngunit pagdating sa ikalawang bote ay hirap nang tumungga ang pangalawang
pares.
Matagumpay nilang nagawa ang hamon kung saan naubos nila
ang dalawang bote ng alak sa loob ng mahigit 20-minuto.
Ngunit, makaraan ang ilang sandali ay nagsuka na ang
lalaki at nagdugo ang ilong habang ang kapartner nito ay nawalan naman ng
malay.
Sa pag-aakalang sila ay lasing lamang, hinayaan silang
makatulog at magpahinga pero nabahala na ang mga tao nang hindi pa rin
nagigising ang dalawa makalipas ang ilang oras.
Pilit namang ni-revive ang isa ngunit binawian na ito ng
buhay habang ang kasama nito ay comatose na isinugod sa ospital.
Dahil dito, paalala sa publiko na dahan-dahan lang sa pag-inom
ng alak lalo na ang mga inuming may matataas na alcohol content.
0 Comments