PAGBALIK NG E-SABONG, HINARANG NG SENADO

 


Tinutulan ng mga senador ang muling pagbuhay sa e-sabong sa bansa upang punan ang mga nawalang kita dahil sa pag-ban sa POGO.

Naniniwala naman si Senador Joel Villanueva na ang e-sabong ay mas malala sa Philippine offshore gaming operations (POGO) lalo na’t direkta nitong target ang mga Pinoy.

Kaugnay nito, hindi pa rin natatagpuan ang nasa 34 online cockfighting aficionados na naiulat na nawawala noong 2022 kung kaya’t naniniwala ang mga awtoridad na sila’y pinatay.

Nauna nang naghain ng Senate Bill No. 1281 si Villanueva na nagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling sa bansa. Ito’y matapos na nagpaabot ng mungkahi ang mga opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang posibilidad na ipatupad ang mas Magandang e-sabong o online sabong operations.

“We have just defeated an enemy with the POGO ban, and now some are considering resurrecting e-sabong, which is far worse because it directly targets our kababayans from all walks of life,” ani Villanueva.

Sinang-ayunan din ni Sen. Imee Marcos ang pagtutol na maibalik ang e-sabong sa bansa.

Samantala, bagama’t ipinagbabawal na ang naturang sugal, inamin ng PAGCOR na tuloy pa rin ang operasyon nito kung saan nasa 789 na e-sabong ang aktibong nag-o-operate.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog