Itinigil muna ng mga awtoridad ang kanilang search and
rescue operation sa dalawang tao na pinaniniwalaang nawawala matapos ang
pagguho ng ice cave sa Iceland nitong linggo.
Ayon sa pulisya, isang tour group na may 25 na miyembro ang
inorganisa nitong Linggo upang bumisita sa Breidamerkurjokull glacier, sa
southeast Iceland ngunit nitong Lunes, tanging 23 nalang na indibidwal ang
nakabalik.
Dagdag pa dito, nagkaroon anila ng conflict sa
impormasyon ukol sa bilang ng tao na kasama sa trip kung kaya’t itinuloy ang operasyon
ng paghahanap bilang isang pag-iingat upang matiyak na walang sinuman ang na-trapped.
Kaugnay nito, mula sa nangyaring insidente ng pagguho ng
ice cave, isang lalaking Amerikano ang idineklarang patay habang ang asawa nito’y
sugatan at nasa maayos nang kalagayan.
Mahigit 200 katao naman ang nag-volunteer sa paghahanap sa
dalawang katao na pinaniniwalaang nawawala.
Samantala, nangyari ang nasabing insidente malapit sa
Jokulsarlon glacial lagoon, isa sa pinakasikat na tourist destination sa
Iceland.
0 Comments