Walang nakaambang ‘lockdown’ sa kabila ng anunsyo ng
bagong kaso ng mpox sa bansa, ayon sa Department of Health.
Bagama’t idineklara ng World Health Organization bilang
public health emergency ang mpox sa mga apektadong bansa ay hindi magiging
posible ang panibagong lockdown sa Pilipinas.
Paliwanag ni Health Spokesperson Albert Domingo na
magkaiba ang uri ng transmission ng mpox virus kumpara sa COVID-19.
Sinisikap na rin aniya ng bansa na gumawa ng mga aksyon
upang masugpo ang pagkalat ng virus at hindi na lumala pa.
Matatandaang, mayroon nang tatlong kaso ngayong taon ang
bansa ng mpox virus na parehong mula sa Metro Manila.
0 Comments