Humigit-kumulang 132 katao ang namatay sa matinding pagbaha
sa Sudan nitong Lunes.
Ayon sa health ministry ng bansa, nakaranas ng malakas at
walang-tigil na buhos ng ulan ang naturang lugar magmula pa nitong nakaraan
buwan dahil na nakapagtala ito ng maraming namatay.
Aabot naman sa kabuuang 10 states ang apektado habang
umakyat naman sa 31,666 na mga pamilya ang naapektuhan ng nasabing natural disaster
at 129,650 na mga indibidwal.
Ilang 12,420 na mga kabahayan ang tuluyan nang bumagsak at
nasira habang 11, 472 ang bahagyang nasira dulot ng pagbaha.
Nasira din ng malakas na pag-ulan ang Arbaat Dam na
nagresulta sa pagkakatangay ng buong nayon.
Kung kaya’t may ilang mga tao ang piniling umakyat ng bundok
upang makalayo sa nakakapinsalang pagbaha.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang isinasagawang search and
rescue operations sa apektadong lugar kung saan 13 katao ang natagpuang patay,
kabilang na ang mga kababaihan at mga bata habang pinaghahanap pa ang 210 na
nawawala.
0 Comments