RUNWAY AT MGA ISTRAKTURA NG CHINA, NAMATAAN SA SUBI REEF



Nagmistulang syudad na ang Subi Reef sa West Philippine Sea dahil sa dami at laki ng mga istraktura at military equipment na itinayo ng China.

Sa ulat, ang Subi Reef ay bahagi ng continental shelf ng Pilipinas sa West Philippine Sea malapit sa Pag-asa Island sa Palawan.

Naispatan sa lugar ang malalaking istraktura, isang runway, radar domes, antennas, mga sasakyan, at hangars na itinayo ng China noong 2013.

Dagdag pa dito, nakita din sa naturang lugar ang isang malawak na deepwater shelter port kung saan naroroon ang mga barko ng China upang maging panangga kontra sa malalaking alon.

Gayundin, makikita rin sa Subi Reef ang maritime militia vessels ng mga Chinese.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog