KA-K5, ANONG KAYA MONG GAWIN KAPAG IKA’Y NAKAKARAMDAM NG
PAGKABAGOT?
Viral online ang isang babaeng netizen nang paghiwalayin
nito ang sangkap ng 3-in-1 coffee sachet dahil lang sa nabagot ito.
Ang 3-in-1 ay dinisenyo para sa mas mabilis na paghahanda
kung saan titimplahan lang ito ng mainit na tubig ay pupwede nang i-serve.
Laman nito ang pinagsamang sangkap ng instant coffee,
asukal, at creamer.
Dala ng matinding pagka-bored ni Marilyn Cabajes at masyadong
pagiging abala ng kasintahan nito ay nakagawa ito ng bagay na makakaalis ng
kaniyang frustration. Sa halip na makipag-usap sa ibang lalaki ay mas pinili
nitong ibaling ang atensyon sa isang 3-in-1 na kape.
Sa loob ng tatlong oras ay nagawa nitong paghiwalayin ang
maliliit na butil na sangkap ng naturang kape – ang asukal, creamer, at coffee
granules.
Marami namang netizens ang namangha sa ipinakitang
dedikasyon ni Cabajes at pagiging malikhain kung saan nagpapatunay ito ng
kaniyang commitment at mahab-habang pasensya.
0 Comments