Usap-usapan ngayon ang nag-viral na post sa social media
kung saan ginamit umanong pang-refill ng swimming pool ang isang truck ng
bumbero.
Sa mga naka-post na larawan, makikita ang isang pulang
trak ng bumbero na nakatigil sa labas ng isang bahay. Ang hose na sinasabing
nakakonekta sa trak, papunta umano sa swimming pool.
Agad ding naglabas ng memorandum ang DILG Secretary na si
Benhur Abalos Jr. na kung saan inatasan nito ang BFP chief Fire Director Louie
Puracan ng suriin at agad imbestigahan ang naturang insidente.
“[I]f warranted, they should be relieved from their post
pending the result of a formal investigation,” nakasaad sa sulat.
Samantala, batay sa post ng “Taytay Updates” na nangyari
umano ito sa Maharlika Village.
0 Comments