Muling binuhay ni Miss Philippines Sophia Nicole
Arkanghel ang isa sa mga kasaysayan ng bansa matapos gawing inspirasyon sa
kaniyang national costume para sa Miss International Queen 2024.
Inirampa ng Pinay beauty queen ang Manila
galleon-inspired costume kung saan tampok ang mga perlas na sumasamba sa
makulay na nakaraan ng bans ana tinawag na “Pearl of the Orient”.
Ang naturang costume ay dinisenyo ni Joanne Mendoza at
tinawag na “Galleon Trade”.
Mapapansin sa suot ng beauty queen na ito’y isang body
suit na pinalamutian ng mga perlas at mayroong ornate ship-like train na may
katawan, timon, layag, at mga kanyon.
0 Comments