Pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Korea ang
Filipino community sa South Korea na sumunod sa safety precautions upang
maiwasan ang pagkakasakit na dulot ng matinding init sa gitna ng summer
heatwave.
Sa isang abiso, sinabi ng Embahada na kinakailangang
uminom ng maraming tubig ang mga Pinoy sa South Korea at pumunta sa malalamig
na lugar kapag sila’y nakakaramdam ng mga sintomas ng heat-related illnesses.
Samantala, mas nagiging laganap na at delikado ang mga
sakit na nauugnay sa init tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
0 Comments