Ka-k5, kakasa ka ba sa pag-inom ng “world strongest beer”?
Isang alak na beer ang binansagang “world’s strongest
beer” na kung saan kung iyong matitikman ay paniguradong pipilipit ang iyong
mukha at dila sa taglay nitong tapang.
Ang naturang beer ay ang Beithir Fire na may dala nang
warning label upang balaan ang mga consumer na iwasan ang pag-inom ng higit sa
35ml ng isang bagsakan dahil sa sobrang taas ng alcohol nito.
Mayroon kasing 75% na ABV (Alcohol By Volume) content ang
nasabing beer dahil ito ay na-brew sa loob ng dalawang buwan bago sumailalim sa
fermentation at triple filtration.
Inilunsad ang Beither Beer noong 2021 sa Scotland’s 88Brewery.
Samantala, maliban sa pagiging “world’s strongest beer”, isa
rin ito sa may pinakamahal na presyo na aabot $58 o P3,300 ang bawat bote.
0 Comments