Dead-on-the spot ang isang helper ng isang karinderya sa
Dumaguete City, Negros Oriental matapos itong barilin ng isang pulis.
Sa ulat, kinilala ang lalaki kay Alejandro, 44-anyos na
unang nag-amok at hinamon ng away ang kasamahan sa nasabing karinderya.
Naglabas din ito ng kutsilyo na itinutok pa sa mga kasamahan
nito.
Agad namang rumesponde sa lugar ang mga pulis ngunit sa
halip na sumuko si Alejandro ay hinabol pa nito ang pulis ng saksak dahilan na
pinaputukan ito ng isa.
Nagtamo naman ng tama ng bala sa katawan ang lalaki na
agad niyang ikinasawi.
Sa isang panayam, sinabi ng mga katrabaho ng nasawi na
bago ito nag-amok ay sinasabi nito sa sarili na hindi niya papayagan na lukuban
siya ng masamang espirito.
Napag-alaman na dati nang gumagamit ng ilegal na gamot
ang naturang lalaki.
0 Comments