Bagama’t inaasahan na ito mula sa unti-unting pag-unlad
ng teknolohiya, maraming netizens ang hindi pa rin makapaniwala.
Ilang kompanya kasi sa ibang bansa ang patuloy na
nagde-develop ng electric vertical takeoff at landing aircraft (eVTOL) aircraft
na kung saan ito’y kapareho ng helicopters sa pag-take off at land ngunit
lilipad na katulad ng isang eroplano – may kahalintulad sa ilang modernong
drones maliban sa ito’y may kakayahan na magsakay ng mga pasahero.
Layunin ng naturang teknolohiya na mag-aalok sa hinaharap
ng pag-commute sa ere para sa mas mabilis, tahimik at mas mahusay na
alternatibo sa transportasyon sa lupa.
Sa ulat, opisyal na pumirma ng isang kasunduan ang San
Jose company Archer Aviation—a leading manufacturer of eVTOL aircraft, sa
Southwest Airlines upang mag-decelop ng plano para sa air-taxi service sa mga
paliparan ng California.
Planong gumamit ng kumpanya ng Archer Midnight, isang pang-apatang
pampasaherong electric aircraft, na isang mabisang solusyon sa trapik at mas
mabilis na transportasyon.
"With Archer's Midnight aircraft, passengers will be
able to fly above traffic to get to the airport faster," anito.
0 Comments