Sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission
(PAOCC) na maraming mga kaso ang hahain laban kay dating Bamban, Tarlac mayor
Alice Guo sa mga darating na linggo.
Ayon kay PAOCC spokesperson Winston John Casio, nahaharap
sa ilang mga kaso si Guo at marami pang kaso ang isasampa laban sa kanya.
Binigyang-diin pa ni Casio na inaasahang mag-iisyu ng red
notice ang International Criminal Police Organization (Interpol) kontra kay Guo
kung sakaling matapos na ng Department of Justice (DOJ) ang resolusyon sa human
trafficking case laban sa kaniya.
Dagdag pa nito na ang mga awtoridad ay naghahanda nang
maisampa ang kaso laban kay Atty. Elmer Galicia na nag-notarized ng counter-affidavit
ni Guo sa Bulacan.
Sa ngayon ay hinihintay na ng PAOCC na maberipika ang
impormasyon mula sa iba pang mga ahensya bago magpatuloy sa mga isasampang kaso
kontra sa abogado.
0 Comments