Opisyal nang nagsimula ang Roman Catholic Diocese ng Pasig
ang diocesan phase para sa "Cause of Beatification and Canonization" sa
isang Sugo ng Diyos na si Laureana “Ka Luring” Franco nitong Miyerkules, Agosto
21.
Ang naturang proseso ay kinakailangan para kay “Ka Luring”
na ma-beatified at pagkatapos ay ma-canonize bilang susunod na Pinay na santa.
Si Ka Luring ay isang Filipina catechist na ipinanganak
noong Hulyo 4, 1936 sa Hagonoy, Taguig. Siya ay nagretiro bilang empleyado sa
gobyerno upang magpalaganap sa salita ng Diyos at maging full-time na katekista
kahit walang natatanggap na kabayaran.
Noong 1990, ginawaran si Ka Luring ni Pope John Paul II
ng isang papal honor at nakatanggap din siya ng Mother Teresa Award.
Samantala, si Ka Luring ay namatay noong 2011 sa sakit na
cancer.
0 Comments