OIL TANKER, NASUNOG AT INABANDONA MATAPOS ANG ILANG ULIT NA PAG-ATAKE NG HOUTHI



Inabandona ng mga crew member ang isang oil tanker na Sounion ng Greek matapos itong atakehin ng paulit-ulit ng mga Houthi dahilan na ito’y nasunog sa may Red Sea.

Sa ulat, unang nangyari ang pag-atake mula sa dalawang maliliit na bangka na may sakay na 15 armadong mga kalalakihan habang naglalayag sa lower Red Sea ang naturang oil tanker.

Ipinahayag naman ng United Kingdom Maritime Trade Operations Coordination Center (UKMTO) na ang nasabing insidente ay nangyari sa 77-nautical miles west ng Yemeni port city ng Hodeidah.

Nagawa pang magpalitan ng putok ang bawat kampo hanggang sa tinamaan na ng apat na mga unidentified shells at nawalan na ng kontrol ang nasabing oil tanker.

Ilang sandali pa, nag-abiso rin ang kapitan ng barko sa UKMTO ng isa pang panibagong pag-atake mula sa rebeldeng grupo na nagresulta sa pagkasunog ng barko.

Agad namang kinondena ng mga awtoridad ng Athens na isang seryosong banta para sa international shipping ang nangyari.

Samantala, maswerte namang walang naiulat na sugatan sa parehong panig.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog