Kinumpirma ng Bureau of Immigration na kasalukuyang nasa
Indonesia ang na-dismissed na Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, lumipad patungong
Malaysia si Guo mula sa Pilipinas noong Hulyo 16 at dumating ito sa Indonesia
mula sa Singapore nitong Agosto 18.
Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang pag-backtrack ng
immigration sa dinaanan ni Guo upang matukoy kung sino ang mga taong nasa likod
ng kaniyang pagbyahe. Hindi rin ipinagsawalang-bahala ni Sandoval ang posibilidad
na sangkot rito ang ilang mga tauhan ng kanilang ahensya.
Matatandaan na nitong Lunes, ibinunyag ni Senador Risa
Hontiveros na si Alice Guo o Guo Hua Ping ay umalis ng bansa noong Hulyo 18
patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
0 Comments