Pinaniniwalaan ng ilang mga residente sa Manjuyod, Negros
Occidental na isang halimaw na sigbin ang may kagagawan sa pagpatay sa mga
kambing sa Brgy. Candabong ng naturang lugar.
Sa ulat, sinasabing puno ng sugat ang katawan ng mga
kambing habang ang isa naman wakwak na ang tiyan at wala nang lamang loob.
Ipinayahag ni Baranagy Captain Joel Calibquid na hindi
aniya ito ang unang beses na may natagpuang patay na kambing sa lugar.
Wala ring binanggit ang opisyal kung anong klase ng hayop
ang nasa likod nito.
Nagpaalala pa ang Kapitan sa nasasakupan nito na kung
maaari ay huwag nang paabutin ng gabi ang kanilang mga alagang hayop habang
inaalam pa kung ano o sino ang nasa likod ng naturang insidente.
Kaugnay nito, isang bata umano sa nasabing lugar ang
nakasaksi na naabutan umano nito na inaatake ng isang “malaking aso na may
mahahabang pangil” ang mga binabantayang kambing.
Samantala, wala pang kumpirmasyon ang awtoridad ukol
dito.
0 Comments