Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines
(AFP) ang delikadong aksyon ng dalawang People’s Liberation Army Air Force
(PLAAF) ng China sa Bajo de Masinoloc nitong Huwebes.
Ayon kay AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr., isang banta
para sa aircraft ng Philippine Air Force at ng crew nito ang ginawang pagpapakawala
ng flares ng dalawang PLAAF ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Aniya pa, nangyari ito habang nagsasagawa ng routine
maritime patrol ang Philippine Air Force (PAF) sa Bajo de Masinloc.
Samantala, nagpasalamat naman ang AFP na ligtas namang
nakabalik sa Clark Air Base ang mga piloto at crew ng naturang aircraft.
0 Comments